Isang araw, merong isang 3rd year student na lalaki na nag-ngangalang Michael, student assistant siya sa school, minsan tamad siya sa pag-pasok ng maaga or mag-paiwan para lang mag-duty. Madalas nag-duduty lang siya dahil may mga kasama siya or merong nag-yaya sa kanya na gumala pag tapos mag-duty. Hindi naman ganun katalinuhan itong lalaki na ito pero siya ay masipag at nagpupursigi kapag gusto niya gawin ang dapat niyang gawin. Mabait siya sa mga kaibigan niya matulungin at higit sa lahat siya ay gentleman. Kahit na madumihan pa o mahirapan siya sa gagawin niya matulungan lang ang pangangaylangan ng mga babae or matatanda sa kanya. Siya ay masiyahin, palatawa, mapag-biro at masarap kasama. Kaya siya ay maraming kaibigan.
At meron namang isang babae pangalan niya ay Sophia student assistant din pero siya ay mas bata ng isang taon, siya naman ay 2nd year student. Siya ay masipag! Madalas nag-duduty kapag kaylangan, kapag may kasama rin at kung wala siya masyadong ginagawa, siya ay tahimik lalo na kapag nag-duduty parang maamong tupa kung titignan. Siya rin ay mabait, palakaibigan, palatawa at masiyahin din lalo na kapag kasama niya yung mga tropa niya simula 1st year.
Dumating ang araw ng graduation ng mga 4th year students sa UP. At ang mga student assistant ay kaylangan maging sword sponsor para sa mga gagradatuate. Sa byahe ay mag-kakasama ang mga SA or Student Assistant sa dalawang sasakyan, hiwalay ang lalaki sa babae. Pero pag dating dun sa UP ay nag-kita silang dalawa at biglang nabighani si Michael sa ganda ni Sophia. Ayaw niya pansinin ito or kausapin man lang, hindi rin niya tinanong o sinabi sa mga tropa niya na kung anong pangalan nung babaeng yun or na nagagandahan siya dun sa babaeng yun. Kaya every minute ay tinitignan niya ito, na parang napapansin na nga ni Sophia na lagi siyang tinitignan ni Michael kaya napapatingin na rin siya na parang naiilang. Hanggang sa natapos ang araw ay sinusulyapan niya ito, nakauwi na silang lahat pero hindi pa rin mawala sa isip ni Michael ang nangyari nung araw na yun.
At dumating na rin ang summer duty para sa mga SA, ito ay ang pag-duduty ng summer para maging officer ang mga SA III. At maging SA III at SA II. So araw-araw nag-duduty si Michael nag-babakasali na makita niya si Sophia at mag-duty. Pero hindi ito nag-duty. Enrollment na ng mga 3rd year at nag-enroll na si Sophia at nung araw na yun nandun din si Michael, siya ay sobrang natuwa dahil ang tagal na niya ito gustong makita, so yun tinignan pa rin ni Michael ito hanggang sa matapos ang kanyang enrollment. Ang mukha ni Sophia ay pagka-halong ilang at tuwa. Dahil napapatingin din siya pero siya ay nakangiti na.
Sumapit na ang unang araw ng pag pasok sa eskewela, at excited lahat ng mag-aaral. Si Michael hindi lang dahil gusto niya makita si Sophia ay dahil din pumasok siya na officer na, at nakita na rin niya ang mga luma niya kaklase at mga katropa. So madalas na nag-duduty si Michael dahil ganado na siyang pumasok kahit na walang kasama dahil meron na rin siyang dahilan para mag-duty. Para makita si Sophia, at tuwing si Sophia naman ang nag-duduty natutuwa rin naman si Michael dahil nakikita niya ito kahit na may klase na siya.
Dumating na ang December at hindi pa rin nakakausap ni Michael si Sophia. Pero gustong gusto na niya ito makausap, nag-christmas party na ang mga 3rd year, at talagang gumawa si Michael ng mahabang letter para kay Sophia, hindi man niya kayang gawin sa sobrang hiya at kaba pero pumunta siya ng maaga sa sa school para lang maibigay ito. Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan, nung una siya ay sobrang kinakabahan dahil baka mareject ang ibibigay niya o hindi matuwa. Pero pinilit siya ng mga kaibigan niya nilapitan niya si Sophia at sa harap ng mga kaibigan ni Sophia ay ibinigay niya ang letter na ginawa niya. Kinuha naman niya ito, ngumiti at nag-thank you. Masaya si Michael pero parang may halong lungkot dahil ang tahimik ng mga kaibigan niya na parang nag-tataka bakit siya nag-bigay ng letter kay Sophia pero pag talikod ni Michael at umalis. Biglang nag-sigawan ang mga tropa niya ng "YIEEEEEE". Biglang napangiti si Michael at masayang umalis ng school.
Matapos ng ilang mga araw nag-bukas ng facebook si Michael at meron siyang natanggap na message binuksan niya ito. At laking gulat niya na nag-message sakanya si Sophia at sinabing "Uy! Thankyou sa letter. Grabe! =))" Di alam ni Michael ang mararamdaman niya pero tumatalon ang puso niya sa tuwa. At simula nun lagi na niyang chinachat si Sophia.
Dumating na rin ang araw ng pasko, at pumunta si Michael sa party. Gusto niyang batiin si Sophia pero walang facebook doon sa lugar na pinuntahan niya, siya ay gumawa talaga ng paraan at humingi ng number sa mga kaibigan niya para lang mabati ito ng "Merry Christmas" nakuha naman niya ito sa isang kaibigan niyang babae, at agad agad niya tinext si Sophia. Nag-reply naman ito at tinanong kung sino yun? Sinabi niya na siya si Michael at inexplain niya na gusto lang niya mabati si Sophia dahil pasko at mukha namang natuwa si Sophia dito.
Tumagal ang mga araw at napansin na talaga ng mga kaibigan niya na meron nang gusto si Michael kay Sophia, kaya kinakausap na siya ng mga ito. Ineexplain nila ang mga nangyari sa lovelife ni Sophia noon, kaya siya ay single pa rin at hindi nag-boboyfriend. Siya ay once ng nasaktan sa pag-mamahal na yan. Pero ang hindi nila alam ay mas malala pa ang nangyari kay Michael kaya almost 2years ng single si Michael. Sobra siyang nasaktan at takot ng mag-mahal ulit. Dahil nabiktima rin siya ng tinatawan na "FOREVER" Binigay niya lahat lahat para dun sa babaeng minahal niya pero matapos ang anim na buwan ay bigla na lang binale-wala na siya nito at biglang iniwan ng WALANG DAHILAN. Yun ang pinakamahirap na pinag-daanan niya dahil hindi niya alam ang dahilan at bigla na lang siya iniwan. Yun ang pinakamasakit na pag-mamahal na napag-daanan niya, kaya sinabi niya sa sarili niya na hindi na siya mag-mamahal pa ulit, pero nung nakilala niya si Sophia nag-bago ang lahat.
At dumating na rin ang buwan ng mga puso February at gusto gumawa ni Michael ng isang bagay na talaga nga namang ikakasaya ni Sophia, effort na hindi lahat ng lalaki ay ginagawa ito. Bago mag-valentines 10pm ng gabi ay pumunta siya sa dangwa at talaga nga namang nagpakahirap na mag-hanap ng magandang bulaklak, nang makahanap na siya ay pinaayos pa niya ito para mas maganda tignan.
Kinabukasan ay valentines na at nasabayan pa ng teachers day, dinala na niya ang bulaklak. Pag dating niya sa school ay may mga nag-bebenta rin ng mga bulaklak sa labas at meron din mga lalaking may dala ng bulaklak, pero masaya siya sa nakuha niya dahil ibang iba iyon sa mga hawak nila. Pag dating dun ay nagulat ang mga ka-officers niya na may dala siyang ganun nag-tataka kung kanino niya ito ibibigay. At ng matapos ang duty at pahingahan na. Nilakasan na niya ang loob niya at kinuha ang bulaklak. Dahan dahan nag-lakad papunta kay Sophia. Lahat ng tao ay nakatingin, mapa-estudyante, teacher mga faculty member, na parang gulat na gulat sa eksenang iyon. Nang dumating na siya at kinakausap si Sophia lahat na nakatingin sa kanilang dalawa. Nung tinanong na ni Michael "Pwede ba?" Sumagot ng "Oo" si Sophia at inabot ni Michael ang bulaklak. Lahat ng tao sa buong roofdeck ay nagsigawan na para bang kilig na kilig. Hiyang hiya naman si Michael pero tuwang tuwa siya na nagawa niya. Umalis na siya at babalik matapos ng ilang oras.
Pag dating niya meron palang problema na nangyari. Alam kasi ni Michael na bawal gawin yun kapag officer ka. Pero sabi kasi ng may hawak sa kanila pwede pag valentines, kaya ito ay ginawa niya. Napagalitan si Sophia kaya sobrang nagalit si Michael at naiyak na lang. Hindi na siya sumama sa mga officers at pinili na lang maging normal na estudyante nung araw na yun.
Pag uwi ni Michael ay agad agad niyang kinausap si Sophia at humingi ng tawad. "Sinabi ni Sophia na okay lang yun" pero sa loob loob ni Michael ay hindi talaga. Feeling niya na parang gumawa siya ng bagay na dapat 'di na lang niya ginawa. Nag-sisisi siya pero sinabi ni Sophia na naging masaya naman siya at nag-thankyou pa rin siya kay Michael sa bulaklak na binigay niya.
Kinabukasan ay may training ang mga officer at student assistant, natapos ito hanggang tanghali pero naiiwan pa ang mga SA at Officers para sa school. Mag-gagabi na at ang mga Officers at SA ay nasa mall pa. Nandun na rin si Michael dahil bumili siya ng damit at bigla niyang nakita si Sophia. At nag-paalam siya mga kaibigan neto kung pwede ba niya ito kausapin at ang sinabi ay "HINDI PWEDE" naging malungkot siya at umalis na lang, nag-hanap na pwede niya ikasaya. Maya maya pag tingin niya sa kanyang phone ay meron siyang sunod-sunod na text galing kay Sophia at sinabing "Uy! Joke lang yun tara usap tayo" natuwa si Michael ng sobra at agad agad itong tinext. Inintay ito ni Michael dahil sila ay kumakain pa, nang matapos ay pinuntahan na siya nila Sophia at sabay nag nag-lakad habang nag-uusap. At pinaalala niya na yung sa bulaklak ay may naiwang sulat. Ang nakalagay ay "WILL YOU BE MY PROM DATE?" Agad agad na sumagot si Sophia na siya nga naman ikinatuwa ni Michael, pero ang sagot lang nito ay bawal ang date pero ibibigay niya ang first and last dance niya kay Michael. So kahit na ganun natuwa pa rin talaga si Michael sa kanyang narinig. At nang malapit na sila sa lugar kung saan mag-lilihis na ng daan bigla na lang tinanong ni Michael kay Sophia na "PWEDE BA KITANG INTAYIN?" Sa itsura ni Sophia siya ay gulat na gulat at 'di makapag-salita. Lumayo muna sila ng kaibigan niya at nag-usap matapos ang ilang minutong pag-lalakad ay lumapit na sila kay Michael at muling nag-tanong si Michael "Pwede ba kitang intayin?" Medyo 'di pa siya makapag-salita pero maya maya siya ay sumagot at malakas na sinabing "OO SIGE NA NGA!" Si Michael ay parang nabaliw na kulang na lang ay tumawid sa highway at mag-pakamatay sa tuwa. Nang ihahatid na niya si Sophia sinabi niyang wag na dahil bawal daw kaya bago sila mag-hiwalay ay tinawag niya si Sophia at sumigaw ng "SOPHIA, I LOVE YOU!" hindi sumagot si Sophia dahil mukhang siyang nahihiya sinabi na lang niya na "Ano ba! Oo na! Sige na umuwi ka na." Di niya alam ang dapat niyang maramdaman pero sobra sobra ang kanyang kasiyahan nung araw na yun, kaya't simula nun di na niya kinalimutan ang petsa na yun. Yun ay February 15, 2014 Simula nung araw na yun ay nag-bago na ang pakikitungo nila sa isa't isa, at sila any nag-tetext magdamag buong gabi.
Kinabukasan ay exam at excited pumasok si Michael para makita at makausap si Sophia. Kinikwento na ni Michael sa kaibigan niyang babae ang mga nangyari. Dahil yung babaeng yun ay ka-close ni Sophia. At nag-break time bumaba na sila Michael at nakita niya si Sophia na naka-duty. Agad-agad niya itong kinausap pero hindi ito umimik at parang malungkot. Si Michael okay lang, inisip niya na parang wala lang, na siguro wala lang talaga sa mood si Sophia, pero nakalipas ang ilang mga araw ay napansin niya na hindi na siya pinapansin ni Sophia. So kinausap niya ang mga kaibigan ni Sophia at yun nga sinabi nila na nag-bago daw ang isip niya. Hindi na nakaimik si Michael at sinabi na lang na "Okay sige." Hindi na siya nag-salita sa mga sumunod na araw. Sinusubukan siya kausapin ng mga kaibigan niya at sinubukang pasiyahin pero walang epekto sa sakit na naramdaman niya.
Ilang araw ang makalipas ay kinausap na siya ni Sophia at sinabing "Iintayin mo ba talaga ko?" Sinabi naman ni Michael na "Oo! Iintayin kita kahit gano pa katagal. Kung mahal mo talaga ang isang tao iintayin at iintayin mo siya" Sagot naman ni Sophia ay. "Uhm. Wag na lang kaya?" Bigla na talagang gumuho ang mundo ni Michael hindi mawari ang kanyang nararamdaman. Paulit-ulit na nag-sorry si Sophia , pero naging positive na lang si Michael at nag-sorry din. Sabi niya kay Sophia na okay lang yun, sinusubukang ngumiti ni Michael para masabing okay lang siya pero na tagos na tagos na sa puso niya ang sakit na nararamdaman niya.
Hindi siya talaga kumikibo si Michael na parang may bigat pa rin sa kanyang dibdib, hindi niya magawang pansinin o kausapin si Sophia, kaya inisip ng mga kaibigan niya na siya ay may galit kay Sophia. Pero hindi, hindi niya nagawang magalit dahil ito ay mahal niya at ayaw niya na madagdagan pa ang mga nangyari, yung araw na yun ay may kainan sa school. Lahat ng classroom ay may handaan lahat ng teacher ay inaabutan nila ng mga pagkain. Nag-dadaan daanan lang sila ni Sophia na para bang hindi mag-kakilala. Pero sa isip ni Michael para hindi nila isipin na may galit siya kay Sophia ito ay niyaya niya lahat na kumain, at bigla na lang tumitig si Sophia kay Michael ng nakangiti. Hindi hindi rin makakalimutan ni Michael yung mga oras na yun, yun lang yung isang pangyayari na tumingin sa kanya si Sophia ng matagal at nakangiti. At dun naging okay sila pati ng mga kaibigan niya.
Nakalipas na ang ilang mga araw it kinausap niya si Sophia na kung pepepwede pa rin niya ito maging first and last dance. Okay lang naman daw pero magiging mahirap sa kanya ito, dahil bawal na. Gumawa siya ng paraan at kinausap niya ang may mga hawak sa kanya at talaga nga naman nagpakahirap siyang kausapin ang mga ito mapapayag lang. Matapos ang ilang mga oras ay pumayag na sila. Sa sobrang saya ni Michael sa nangyari, at niyakap niya ang mga ito.
Dumating na ang araw ng prom at iniintay ni Michael si Sophia dahil gusto niya ito i-surprise escort. Dumating na sila at hiningi niya ang permiso na maging escort ni Sophia, at ito ay pumayag. Natuwa si Michael, at napangiti dahil mag-kasama sila ni Sophia paakyat.
Sa prom nakalipas na ilang mga oras, at malapit na ang first dance. At excited na si Michael na kunin ang first dance ni Sophia dahil once in a lifetime lang ang first dance. Memories mo na yun hanggang sa paglaki na siya ang UNA mong nakasayaw. At nung nag-announce na ng first dance lalapitan na ni Michael si Sophia nang biglang may humila sa kanya na lalaki at dinala siya sa dance floor. Wala nang nagawa si Michael at umupo na lang. Makalipas ang ilang minuto natapos na silang sumayaw. Umupo na si Sophia at yung lalaki, bigla na lang siyang nilapitan ng bestfriend niya at tinanong ng "Uy, okay ka lang?" Hindi na siya sumagot at nilapitan si Sophia, nag-sisigawan ang mga classmate niya na para bang kinikilig. Hiningi na niya ang kamay at sila ay sumayaw na. Nag-tagal din ang kanilang pag-sasayaw dahil sila ay nag-uusap. Napansin na rin ng iba na parang ang tagal nilang dalawa. Maya maya ay sabi ni Sophia na bumalik na sila at sinabing babawi na lang siya sa last dance, binalik na niya ito at nag-thankyou.
Matatapos na ang gabi at malapit na rin mag-last dance. Inaabangan na ulit ni Michael si Sophia, at nang mag-announce hinila nanaman siya ng lalaking ito. Umupo na lang ulit si Michael at nag-hintay dahil wala naman siyang magawa. Pero napaisip siya na wala talagang mangyayari kung hahayaan lang niya na ganun, nag-lakas siya ng loob na lapitan ang lalaki. At sinabing "Pre ikaw na first dance, baka naman gusto mo na ibigay na sakin yung last dance?" Umalis ang lalaki at sila na ang nag-sayaw. Marami ang umaagaw pero hindi niya ito pinapayagan at ayaw din ni Sophia, natatawa na lang si Michael at nangingiti. Matapos nun ay humingi ng picture si Michael, pumayag naman si Sophia pumila sila pero ang tagal. Kaya't bumalik na lang sila sa pag-sasayaw. At yung huling kanta ay "A thousand years" bigla na lang nag-bago mood ni Sophia. Sinabi pa ni Michael na "Para sayo talaga yang kantang yan" pero biglang sinabi ni Sophia na "Umupo na tayo". Umupo na sila. Makalipas ang ilang minuto ay bigla na lang bumuhos ang mga luha ni Sophia. Nagtaka si Michael kung bakit ito umiyak matapos nilang sumayaw. Inisip niya kung may nagawa ba siya mali, sinabi ng mga kaibigan niya na wala naman daw, tinanong pa ni Michael "Baka meron siyang gusto makasayaw na iba at hindi ako?" Kaya sinabi niya na "Kung meron ka man gustong maging last dance, sige hahanapin ko siya. Okay lang sakin na hindi ako maging last dance mo maging masaya ka lang". Pero hindi daw yun. Hindi na alam ni Michael ang gagwin niya, kaya tumabi na lang siya dito at hindi inawanan. Natapos ang prom at mukhang okay naman na siya. Hinatid niya ito pauwi sa kanila, kasabay ang kaibigan at nanay niya. Bigla pa siyang tinanong "Anong pangalan mo?" Sagot naman niya agad ay "Michael po" hanggang sa makarating sila dun. At nag-usap saglit hanggang sa mag-hiwalay na sila dahil si Michael ay aalis pa. Bago sila mag-hiwalay nag-iwan siya ng mensahe kay Sophia at sinabi sa kanya na "SOPHIA! I LOVE YOU." pero hindi na ito umimik at nag-lakad paalis.
Malapit na rin matapos ang taon at gagraduate na sila Michael sa high school, at sila Sophia naman ay nag-tetraining para maging officer. Masaya naman sila lahat pero nalulungkot si Michael dahil hindi na niya ito makakasama. Pero naging masaya na lang siya dahil naging masaya siya sa pag-aaral niya dun dahil sa lahat ng nangyari sa kanya simula first year hanggang fourth year, lalo na nung dumating na siya sa pagiging fourth year at nakilala si Sophia.
Nagsama-sama na lahat ng Officers at SA para mag-paalam sa isa't isa. Ayaw nila umiyak pero bumuhos ang kanilang mga luha dahil sila ay mag-hihiwahiwalay na talaga at, hindi nila makakalimutan lahat ng pinag-samahan nila. Matatapos na ang araw pero si Michael hindi pa rin masyado makausap si Sophia. Hanggang sa mag-uuwian na. Lahat ay nag-yayakapan na at nag-papaalam na sa isa't isa. Niyakap na ni Michael lahat lahat ng SA pwera si Sophia. Hindi naman sa nahihiya siya pero gusto niya na si Sophia ang huli niyang yayakapin. Namatay na lahat ng ilaw at nilapitan na niya ito. At niyakap na sobrang higpit, habang lumuluha nag-pasalamat ng sobra sobra. Sa lahat ng pinag-daanan nila at pinag-samahan! Minahal niya ito ng sobra higit pa sa lahat minahal niya.
Graduation day na, at ito na ang araw na aalis sila sa eskwelahang pinasukan nila. Natapos na ang mga seremonya at muling nagsama ang mga Officers at mga SA, muling nilapitan ni Michael si Sophia niyakap at nag-paalam sabay nag-bigay muli ng letter. Sinabi sa kanya ni Sophia na kung pwede sila ay maging bestfriends na lang muna. Dun na niya tinanggap sa sarili niya na sila ay magkaibigan na lang ni Sophia. Pero bestfriends! Inisip na rin niya na mas magiging masaya sila kung magiging magkaibigan na lang sila. Naging masaya silang dalawa, at mas lalong naging close. Sabayan na sila sa puyatan, sabay matulog, nag-lolokohan at nagtatakutan. Naging okay na rin si Michael na ganun na lang talaga. At dun na nagtatapos ang kwento ni Michael at Sophia. Naging masaya na sila at nakuntento na rin kung anong meron sa kanilang dalawa.